.MGA GURO NG FBHS NAGKAROON NG PROFESSIONAL MEETING

BENEDICT MENDOZA AT JAYMARK CONSEJO

          Nagkaroon  ng “First Professional Meeting” ang mga guro na ginanap noong Hunyo 5-6,2008 sa AVR(Audio Visual Room) ng Kuta Bonifacio.Sa pamumuno ng ating punungguro na si G. Wilmore C. Moredo.

         Layunin ng programang ito ay ang matalakay ang pagpapaunlad ng kagalingan, kasanayan, pagkakilanlan, at moralidad ng mga guro. Ang pangunahing pandangal ay si Prof. Henry S. Tenedero na tinalakay ang pagbabagong pananaw ukol sa IQ (intelligence quotient).

        Sinimulan ang programa ng panalangin na pinangunahan ni Dr. Sabrina S. Lim; puno ng kagawaran ng Ingles. Sinundan naman ito ng Pambansang awit na pinangunahan ni Gng. Conchita S. Rama, puno ng kagawaran ng MAPEH. Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno ni Gng. Remedios E. Beguiras na puno ng kagawaran ng Filipino. Samantalang pinangunahan ni Gng. Remedios C. Pajo, puno kagawaran ng Science ang Pambungad na Pananalita.

        Ang pagpapakilala ng mga kalahok ay pinangunahan ni Gng. Teodora F. Besana na puno ng kagawaran ng TLE. Si Gng. Lina M. Carungcong naman na Administrative Officer IV   ang nagbigay ng mensahe sa mga nagsipagdalo sa nasabing palatuntunan. Nagbalik tanaw naman si Gng. Leonora I. Espejo ng puno ng  kagawaran ng Araling Panlipunan. Ang pagbubuod sa palatuntunan ay pinangunahan ni Gng. Cristina B. Montenegro na OIC ng kagawaran ng Matemetika.

        Bilang pangwakas na mensahe, pinamunuan ito ng ating kagalang-galang na punungguro na si G. Wilmore C. Moredo. Ang guro ng palatuntunan ay si Gng. Teresa N. Padilla.

Mga Piling Mag-aaral, nakiisa sa lakbay aral

             Ginanap ang taunang Lakbay Aral ng Kuta Bonifacio sa partisipasyon ng 31 piling mag-aaral noong mula sa ikauna hanggang ikaapat na taon noong ika-31 ng Hulyo 2008 sa tulong ng Makati City Museum at Makati City Cultural Office.

Una nilang binisita ang New Renaissance Hotel kung saan ay nilibot nila ang mga ibat ibang pasilidad nito. Sunod nilang pinuntahan ang Makati City Hall at doon ay nakasama  si Hon. Mayor Jejomar Binay. Matapos nito ay tumungo sila sa Ayala Museum at kanilang namalas ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng ating mga ninuno.

Ang lakbay aral na ito ay naglalayong maipakita sa mga estudyante ang mga natatangi at makasaysayang lugar sa Makati.Ang mga mag-aaral ay pinatnubayan ni Gng. Viñas.

GSP-FBHS  Nakiisa sa Wreathlaying Ceremony

.                                               Jodelyn L. Dantis

       Kagitingan, Ito ang ipinamalas ng mga sundalong lumaban noong World War II kaya naman bilang pag-alaala, nakiisa ang GSP Makati sa isinagawang Wreathlaying Ceremony noong April 5, 2008 na ginanap sa Libingan ng mga Bayani, sa Lungsod ng Taguig .

 Sa pamumuno ng GSP National Coordinator na si Gng. Arlene Arroyo at GSP-FBHS Coordinator Esther Alkhaldi ay lumahok ang GSP –FBHS ng ating paaralan. Ito ay  pinangunahan ng Arm Forces of the Philippines sa pamumuno ng AFP Chief Hermogenes Esperon. Dumalo din ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na Kalihim ng  National Defense na si Albert Teodoro at nagbigay din ng kanyang mensahe.

Ilang tanda ng pagbibigay pugay sa kabayanihan ng mga sundalo ay nag-alay ng mga bulaklak sa watawat ng mga beterano at ang mga Girl Scout . Ang seremonyang  ito ay nagpakita ng pagbibigay importansya sa mga sundalong Pilipino ng WWII na nakipag laban para sa ating kalayaan.

 Buwan ng  wika  naidaos ng kagawaran ng Filipino

        Matagumpay na idinaos ang Buwan ng Wika  na ginanap sa Audio Visual Room (AVR) noong ika-1 ng Agosto sa pangunguna ng Puno ng Kagawaran ng Filipino na si Gng. Remedios Beguiras ,mga opisyales ng Filipino Club at Teatro Filipino.

Ang palatuntunan ay may temang “Wika mo,Wikang Filipino,Wika ng mundo,mahalaga”. Ang naging tagapagsalita ay sina Lewis Jake Caiman at Regina Frances Sumalde na mula sa pangkat Aguinaldo. Bilang panimula nagkaroon rin  ng presentasyon ang mga piling mag-aaral ng ikaapat na taon mula sa ibat ibang pangkat .

Sinundan ito ng pang –unang pananalita ni Gng. Remedios Pajo. Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Jodelin Dantis, pangulo ng Filipino Club at pati na rin ang pangulo ng Teatro Filipino na si Cristine Dominique Daquis na kapwa nagmula sa pangkat Rizal. Ihinayag ng mga pangulo ang aktibidades at mga proyekto ng kanilang organisyon at pati na ang pagdiriwang ng Buwan ng wika.

Naroon rin ang presensya ng unang taon mula sa iba’t ibang seksyon sa pangunguna ni Gng. Dionisio.Nagtapos ang programa sa huling pananalita ng pangulo ng Filipino Club.

Naisagawa ang Buwan ng Wika sa kooperasyon ng opisyales ng Filipino Club,mg guro at kagawaran ng Filipino kasama na rin ang suporta ni Gng. Remedios Beguiras, punong Kagawaran ng Filipino at Assistant Principal na si Gng. Remedios Pajo.

Populasyon ng FBHS, tumaas ngayong taon

Mara Carisa R. Cubillas, Everly D.R. Bardinas

             Tumaas ang populasyon ng mag-aaral ng Fort Bonifacio High School, sa kasalukuyan kumpara sa nakaraang panuruang taon.

            Sa ngayon mayroong 7550 bilang ng estudyante ang FBHS, simula una hanggang ikaapat na taon kasama na rito ang mag-aaral sa Open High School. Binubuo ito ng 3783 na estudyanteng mga kababaihan at 3534 naman na kalalakihan, samantalang 233 estudyante ang bumubuo sa OHS. Kung babalikan natin ang populasyon ng paaralan ng nakaraang taon, mayroon lamang itong 7119 na bilang ng estudyante na binubuo lamang ng 3583 na kababaihan, 3426 ang kalalakihan at 150 pinagsama na ang babae at lalaking estudyante sa OHS.

           Kung ating susuriin malaking bahagdan ang inangat ng bilang ng mag-aaral sa ating paaralan. Ang mga posibleng dahilan nito ay ang pagtaas ng matrikula ng mga pampribadong paaralan at panigurado na rin dahil ito sa kaliwa’t kanan na pagtaas ng bilihin kabilang na ang bigas at krudo.

           Isa nga sa mga katangian ng ating paaralan ang pagkakaroon ng maraming estudyanteng ipinagkakatiwala ang kanilang edukasyon at kinabukasan sa FBHS, ngunit sa kabilang banda hindi naman ganon kahalaga kung gano man kadami ang populasyon sa isang paaralan maliban na lamang kung walang katumbas ang kalidad ng pagtuturo rito, sapagkat sa isang institusyong tulad ng paaralan hinuhubog at hinuhulma ang mga mamamayan na magtataguyod ng ating bayan at kinabukasan. 

 

 

ELEKSYON NG SSG,            ISINAGAWA NG MGA OPISYALES

             Isinagawa ng  mga opisyales ng Supreme Student Government (SSG) ang taunang eleksiyon ng mga mag-aaral sa unang taon noong Ika-16 ng Hulyo  sa Audio Visual room. Ito’y dinaluhan ng mga pangulo ng bawat pangkat sa unang taon. Ang eleksiyon ay naglalayong makakuha ng mga magiging kinatawan ng unang taon sa SSG.

            Nahalal sina Patrick Distal ng I-Maaasahan , John Paolo Villanueva a ng I-Mahinahon , Johanna Dela Cruz ng I-Mapagkumbaba, Jaimee Reyes ng I-Magiting bilang mga bagong kinatawan ng unang taon.

            Ito ay pinagunahan ng mga opisyales ng SSG sa pagpapatnubay ng kanilang tagapayo na si G. Rizal  Cantiller , Guro sa Araling Panlipunan at sa pamamatnubay ni  Gng. Leonora  Espejo, punong Kagawawaran ng Araling Panlipunan.

     ORYENTASYON NG MYM,TAGUMPAY 

            Tagumpay ang oryentasyon ng Marian Youth Movement (MYM) na isinagawa noong Ikatlong Hulyo sa Audio Visual Room.

            Ang oryentasyon na ito ay may temang “ All together with love,peace, of MYM”.Layunin nito na maipaalam sa bagong miyembro ng MYM ang kahalagahan ng ispiritwalidad sa bawat indibidwal at mapalapit pa lalo sa Diyos.

            Ito ay pinamunuan ng kanilang pangulo na sina Paola Balunday ng IV-Rizal at Franz Fernandez ng II-Sampaguita sa pamamatnubay ni Gng. Ma. Elena Maldo, guro sa edukasyong pagpapahalaga.

 BUWAN NG NUTRISYON

                   Naisagawa ng matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa unang

araw hanggang katapusan noong hulyo ,na ginanap sa Audio Visual room (AVR).

Nakilahok ang mga mag-aaral sa mga patimpalak na nakapatungkol sa tema ngayong taon na: “ Sa wastong  Nutrisyon  ni Mommy,siguradong healthly si Baby” na pinangunahan naman  ng mga Guro sa  Kagawaran ng T.L.E. 

Ika-7 ng Hulyo,ginanap ang parada para sa Buwan ng Nutrisyon .Ika -9 ng Hulyo ng muling  magbukas ang “Feeding Program” para sa mga estudyanteng kulang sa nutrisyon na pinamahalaan ni Gng. Marilyn P. Sanding (Nutrition/Feeding Coordinator) Idinaos naman ang patimpalak para sa Slogan at Poster Contest noong Ika-17 ng Hulyo sa AVR na pinangunahang ni Gng. Viernes at Bb. Bejo. Si Jassari P. Sanding ng IV-Bonifacio ang nagwagi sa Slogan Contest at Erha Jane Fegarido ng III-Carnelian naman sa Poster Making Contes.Muli namang humataw ang “Team Bora-Bora” ng ikatlong taon at naiuwi nila ang pwesto .Sila ay sina: Mae Rona G.  Ecraila at Shireen Nocellado ng III-Almendite, Maan Ecraila ng III- Alexandrite, Wafah Guro, Cholo Caligawan at Lesyn Allauigan ng III-Amethyst. Ginanap ito noong ika-18 ngHulyo sa Conference Room ng Building II na pinamunuan ni Gng. Mabanglo . Si Gng. Salud Lacera at Ginoong Erwin naman ang namuno sa Nutri-Quiz noong ika-23 ng Hulyo sa ating AVR. Nagwagi rito si Arianne Nono ng I-Masunurin . “Symposium for Advocacy and teen – Age Pregnancy” ang tinalakay naman ni Dr. Antonio Ronal noong ika-25 ng Hulyo.

 Ika-30 ng hulyo ng isinagawa ang “Closing and Awarding Ceremony “ sa AVR para sa pagkilala sa mga nag-wagi sa mga aktibibidad at sa pagsasara ng Buwan ng Nutrisyon .Pinangunahan ito ni Gng. Lilibeth D. Sagmaquen (OIC-T.L.E.)AT Gng. Teodora Besana (coordinator)

 Proyekto ng SSG, Naisakatuparan

Joanne E. Empig

            Naisakatuparan ang mga proyekto ng Supreme Student Government (SSG) na nakapanukala para  taong ito.  Ito ay pinangunahan naman ng mga opisyales nito.

            Sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo nagpalabas ang mga bagong Class pass, na may magandang kalidad. Isinusulong din nila ang tamang paggamit ng mga ito. Gayundin ang wastong pagsunod sa mga batas at patakaran ng paaralan.

            Nagsagawa naman ng Club fair nitong Hulyo na ginanap sa Audio Visual Room (AVR) ng paaralan. Nagkaroon ng pagkakataon ang iba’t ibang club at organisasyon na magkaroon ng booth para magpakilala sa bawat estudyante ng paaralan. Lalo na sa mga freshmen ng taong ito.

            Nitong Agosto nagpatawag naman ng pagpupulong ng mga magulang. Isa sa mga napag-usapan ay ang boluntaryong pagbabayad ng mga fees ng paaralan. Na siguradong makatutulong sa pagpapatupad ng mga susunod proyekto ng paaralan. Makatutulong din ito sa mga club at organisasyon ng paaralan, na mapakikinabangan naman ng mga estudyante.

            Naipatupad ang lahat  ng ito sa tulong ng tagapayo ng SSG na si G. Rizal Cantiller, at sa patnubay ng puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan na sa Gng. Leonora Espejo 

RCY G.O.S., Isinasagawa

   Isinagawa ng taunang General Orientation Seminar (GOS) ng konseho ng Red Cross Youth (RCY) sa Mataas na Paaralang Kuta Bonifacio, ginanap noong Hulyo 5, 2008 sa Audio Visual Room (AVR), mula ika-7 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

   Pinangungunahan ito ng mga opisyales ng konseho ng RCY. Sa ilalim ng pamamatnubay ni Bb. Irene C. Aquino. Nilahukan ng humigit kumulang 125 na estudyante nasa iba’t-ibang antas mula sa ating paaralan ang nasabing programa.

   Layunin ng programa na mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga kabataan tungkol sa kasaysayan ng organisasyon. Ipinababatid din nito ang pribelehiyong maging isa sa mga boluntaryong miyembro ng organisasyon. Sa gayon ay makahikayat ng mga kabataan na huhubugin bilang maging isang responsableng mamamayan na may disiplina.

 

Olimpo, nakiisa sa pagdiriwang ng Earth Month

Ma. Michaela Rosales

                Nakiisa si Mary Christine P. Olimpo, pangulo ng Angels Club, sa SEDP bilang pagdiriwang sa Earth Month noong buwan ng Abril.

                Ang SEDP o Sustainable Energy Development Program, ay isang institusyong binuo ng Phil. Department of Energy , U.S. Department of Energy  at U.S. Agency of International Development. Naglalayon itong isulong ang paggamit ng alternatibong langis, paglilinis sa kapaligiran at pag-aalaga sa kalikasan. Bukod kay Olimpo, lumahok rin ang iba pang mag-aaral mula sa Makati High school,  Benigno “Ninoy” Aquino High school at San Isidro High school. Bilang parte ng proyekto, lumibot ang buong pangkat sa Ayala Mall at nagsagawa ng mga dulang pinamagatang Eco defenders vs. Global Warming, Hari ng kalsada at Fuels forever.

Ang proyektong ito ay nominado sa CNN sa kategoryang Best Performance at naipalabas na din sa BBC World at Reuters.

 

 

 

 

 

 

World Press ’08 Exhibit Dinaluhan ng mga Photojournalist ng ating Paaralan 

Ni Cesbelle P. Montes

Dinaluhan ng mga photojournalist ng Tinig at Tunog at ng The Light ang exhibit ng World Press ’08 sa SM Mall of Asia noong ika-9 ng Agosto. Ang exhibit ay sinimulan noong ika- 1- 29 ng Agosto sa bansa. Ang pagtatanghal na ito ay tinampukan ng mga journalists, mga media professionals, mga mag- aaral, mga guro at mga propesyonal    Layunin nito ay ang mahikayat ang mga press photographers sa buong mundo. 

 Ang pagtatanghal ng mga larawan ay tinampukan ng iba’t ibang paaralan ng Makati. Ang mga kinatawan ngTinig at Tunog ay sina Dansen Rmirez at Mary Jane Ariola ng II-Sampaguita, Sarah Penca at Clifford Togonan ng III.-Diamond at Cesbelle Montes ng IV- Rizal sa ilalim ng pamamatnubay ni Gng. Janet Ramirez. Ang mga kinatawan naman ng The Light ay sina Janine Beramine, Winifredo Logbo at leira panol ng III-Diamond, Roxanne May Grant at Jonraye Robert ng IV-Rizal sa ilalim ng pamamatnubay ni gng. Eden Gomez.

 Sa exhibit na ito nagpakita ng mga larawang nagkamit ng mga gantimpala mula sa paligsahan ng ika- 51 anwal World Press Photo. Ang programang ito ay drawn nakaguhit sa ating mga kabataang photojournalist bilang estudyante.

Club Fair, Inilunsad

Mary Joy Ofeciar at Kristiana Villanueva

                Inilunsad kamakailan ng SSG ang Club fair 08’. Inumpisahan ito nakaraang Hulyo 25 at nagtapos Agosto 1 2008. Ang proyektong ito ng SSG ay may temang “United Organization, Building Cooperation towards One Institution”. Layunin nitong ipakita na ang bawat na organisasyon ng paaralan ay nagkakaisa. Nais din nitong makahikayat ng mga karagdagang miyembro.

                Pinangunahan ng ating punongguro na si G. Wilmore C. Moredo kasama ang kanyang kahalili na si Gng. Remedios C. Pajo ang pagbubukas ng Club fair 08’. Nilahukan ito ng iba’t-ibang organisasyon ng paaralan gaya ng Filipino Club, ANGELS, Science, YECS, YMCA, MYM, RCY, STEP, SADAC, MHCC, BSP, GSP, SERG, Koro Bonifacio, Values at Historical Club. Bawat organisasyon ay naghanda ng kani-kanilang booth na dinagsa ng mga mag-aaral sa AVR.

                Sinuportahan nina Gng. Conchita Rama na punong kagawaran ng MAPEH , Dr. Sabrina Lim na punong kagawaran ng English at Gng. Remedios Beguiras na punong kagawaran ng Filipino ang pagtatapos ng programang ito. Pinarangalan ang mga organisasyon na pumukaw ng atensyon sa ating punungguro at ng mga mag-aaral. Nakamit ng SERG ang unang puwesto at most informative club. Pumangalawa ang Red Cross Youth at sinundan ng Values at YECS club. Nakataggap din ng parangal ang Filipino club sa pagkakaroon ng pinakamagandang disenyo sa kanilang booth.

                Naging matagumpay ang proyektong ito ng SSG sa tulong ng kanilang tagapayo na si G. Rizal P. Cantiller at sa suporta ng ating punungguro, mga kagawarang at ng bawat mag-aaral.

Pinagbabawal  NA droga sa paaralan, Inaksyunan

Paola  Misa Balunday

Ang pinagbabawal na droga sa paaralan ay naaksyunan sa naganap na RANDOM DRUG TESTING noong Hulyo 29 (1st  at 4th  year) at Agosto 5, 2008(2nd at 3rd year) sa Guidance Center Rm 102 Bldg 1. Dinaluhan ito ng mga napiling mag-aaral na humigit kumulang sa 624 ang bilang.

Ang programa ay pinasimulan ng ating mayor na si Jejomar Binay dahil layunin niyang maging “Drug Free” ang buong lungsod ng Makati na sisimulan sa mga paaralan.

Ang RANDOM DRUG TESTING ay nag-umpisa ng bumunot ng mga mag-aaral ang mga volunteers ng ating paaralan. Marami ang tumulong at nagkaisa sa programang ito, kabilang ang mga Guidance Counsellors na sina Gng. Mary Ann Cortez (1st year), Gng. Lorina Baraquiel,  Gng. Glenda Bernal (2nd year), Gng. Elena Maldo, Gng. Nanette Noble (3rd year), Gng Asuncion Joveda, Gng. Blanqiuta Managay (4th year) at sila ay pinangungunahan ni Bb. Zoraida Bernal. Tumulong din sina Nurse Jun Fernandes, Nurse Rose Dayrit, SERG (Student Emergency Response Group) sa pangunguna ni Jerry Otto (Presidente) at si G.  Erol Cortez. Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng superbisyon ni Dr. Angeles Villanueva.

Dahil sa tagumpay ang programang ito, napatunayan na ang ating paaralan ay isang “DRUG FREE SCHOOL”.

Pandibisyong Seminar-Workshop, Idinaos

Ranchie M. Canino at Joellie Marie Flor D. Calasin 

       Idinaos ang Pandebisyong Seminar-Workshop para sa Makabagong Kalakaran sa     Pagtuturo ng Pagbasa sa Conference Room ng Division Office ng Makati noong Hunyo 2 at 5, 2008 na dinaluhan ng mga guro mula sa iba’t ibang mga paaralan.

        Ang lupon ng mga tagapamahala ay pinangunahan ng Makati at Bangkal High School sa palatuntunan; Benigno High School at Makati VI sa paanyaya; San Antonio High School at Pitogo High School sa pagpapatala; Makati I at Makati Science High School sa dokumentasyon; Fort Bonifacio High School at Makati IV sa pamatid-uhaw; Makati VI at Makti IV sa Akomodasyon at Dekorasyon; sa sertipiko ay San Isidro National High School at Gen. Pio Del Pilar National High School. Ang mga nabanggit na matataas na paaralan ay pinamunuan ni Gng. Ester Montalbo, Tagamasid sa Filipino sa Dibisyon ng Makati sa tulong ni Bb. Elena R. Ruiz, Dibisyong Tagapamahala  ng Makati. 

       Ang mga tinalakay sa nasabing seminar-workshop ay ang Mga Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa; Mga Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa sa Teksto o Akda; Mga Antas ng Komprehensyon o Pag-unawa at mga Istratehiya sa Pag-unawa sa Pagbasa na pinangunahan ni Dr. Paquito Badayos . Katatasan sa Pagbasa ng mga Lawak sa Pangnilalaman ni Dr. Pamela Constantino at Paggamit ng Literatura sa Pagtuturo ng Nilalaman ni G. Jovie Peregrino. Ang mga Fasiliteytor ng unang araw ng nasabing worksyap ay sina G. Roberto V. Anir, Gng. Virginia Tabobo, Gng. Elisa Victorio, Gng. Remedios Beguiras at Gng. Gilda Teologo.

       Idinaos naman ang pangalawang araw ng worksyap, Hulyo 5, 2008 ang Ebalwasyon ng Katatasan sa Pagbasa-Pagsulat ni Dr. Patricinio Villafuerte. Mga Yugto ng Pagbasa ni Prof. Magdalena Jocson.

        Ang mga Fasiliteytor sa araw ay sina Bb. Corazon L. Jose, Dr. Norma Bustos, Dr. Evelyn Bolivar, Mrs. Fe Balaba at Bb. Adoracion San Pascual. 

       Layunin ng nabanggit na worksyap na paunlarin ang paraan ng pagtuturo ng mga guro  sa pagbasa upang maging epektibo ang pag-aaral ng mga batang mag-aaral. Nang sa gayon ay maging mganda ang antas ng edukasyon ditto sa Lungsod ng Makati.

       Sa tulong ng mga guro mula sa matataas na paaralan at pang-elementarya ay nagging matagumpay ang seminar-workshop.