Panunumpa ng Katapatan sa Watawat

         Ako ay Pilipino


Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal
Katarungan at Kalayaan

 

         Na pinakikilos
Ng sambayanang maka-Diyos, Maka-kalikasan,
Makatao,
At Makabansa

 

 

PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO

Ako’y Kawani ng Gobyerno

Tungkulin ko ang maglingkod nang

tapat at mahusay

Dahil dito, Ako’y papasok nang

maaga at magtatrabaho

nang lampas sa takdang oras

kung kinakailangan;

Magsisilbi ako nang magalang at

 mabilis sa lahat ng

 nangangailangan;

  Pangangalagaan ko ang

mga gamit,kasangkapan at iba

pang pag-aari

 ng pamahalaan

Magiging pantay at

 makatarungan

ang pakikitungo ko sa mga

lumalapit sa aming

tanggapan.

  Magsasaltia ako laban

sa katiwalian at

pagsasamantala.

Hindi ko gagamitin ang aking
panunungkulan

 sa sarili kong kapakanan.

  Hindi ako hihingi o

tatanggap ng suhol

Sisikapin kong madagdagan ang

aking talino at kakayahan upang

ang antas ng paglilingkod

sa bayan at patuloy na maitaas.

  Sapagkat ako’y kawani ng

gobyerno at tungkulin ko ang

maglingkod ng tapat at

mahusay sa bayan ko at sa

panahong ito,

 

Ako at ang aking mga kapwa ko

kawani ay kailangan tungo sa isang maunlad, masagana at

mapayapang Pilipinas.

  

Sa harap ninyong lahat, ako’y taas pusong nanumpa

 

Panatang Makabayan (Revised)

Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
Ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Ng buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas